Mga Maasahan sa Oras ng Sakuna
Maraming aksidente at sakuna ang nangyayari sa Pilipinas, at para matugunan ang mga sumasaklolong kababayan, kailangan natin ng mga”superhero” ika nga nila. Sa panahon at oras kung saan ang buhay ay napapalagay sa hudyat ng kamatayan, mayroon tayong mga kaakibat na tao na may sapat na kaalaman at natatanging kakayahan dahil sa kumprehensibong pagsasanay na kanilang isinisagawa para sa pagsagip ng walang iba kundi buhay ng bawat isa.
Ang search and rescue team ay ang mga tagapag ligtas sa mga taong humihingi ng saklolo sa mga panahong gipit na gipit na sila at nangangailangan ng tulong. Sila ang nag bubuwis buhay upang masagip at mailigtas ang ating kababayan sa kritikal na kondisyon. Ang mga nailigtas naman, lalo na ang mga nasugatan, na-injured at ano pa man, ay dadalhin sa EMS o ang Emergency Medical Service.
Ang Emergency Medical Service ay isang organisadong grupo na ang layunin ay gamutin ang mga nasugatan at ang iba pang nasa kritikal na kondisyon. Isa pa sa alang-alang na kina-aakibatan ng EMS ay ang paghahanda ng mga maayos na pasilidad nang sa gayo’y ating malaman kung anu-ano ang dapat puntahan at mga dapat iwasan sa panahon ng emergency o sakuna. Isa pa na kabilang sa sistemang ito ay ang pag-gamit ng mga tamang kagamitan na nagsisilbing isang malaking tulong para sa pagsalba ng napakaraming buhay: mga kagamitang ginagamit ng mga bumbero o kaya nama’y mga kagamitang ginagamit ng ating mga search and rescue respondents at hazardous materials teams para sa maayos na pagsasagawa ng operasyon na napapaloob sa Incident Command System.
Ang Incident Command System ay ang basehan ng mga sumasagawa ng SAR at EMS para matugunan ng tama at epektibo ang mga napinsalang sangkatauhan. Ito na rin ang ginagamit ng karamihan sa tuwing kailangan gumawa ng kritikal na desisyon para mailigtas ang nakararami at para matugunan ng maayos ang nasugatan.